Alinsunurang Awit
"Mula sa guho ng karanasan at at mga bakas ng naunang pag-iral, umaahon ang mapapait-matatamis na awit ni Mesándel Virtusio Arguelles upang muling...
Also Available in:
- Amazon
- Audible
- Barnes & Noble
- AbeBooks
- Kobo
More Details
"Mula sa guho ng karanasan at at mga bakas ng naunang pag-iral, umaahon ang mapapait-matatamis na awit ni Mesándel Virtusio Arguelles upang muling bigyan ng tinig silang minsang nagkakatawan sa imahinasyon at rekoleksiyon ng iba. Sa kaniyang ikaanim na aklat, madarama ang sugat na binabalikat ng bawat tula, animo’y marahas na tinatawid ang matalim na hangganan ng katiyakan at alinlangan, ng personal at di-personal, ngunit lagi’t laging tiyak ang pakay at taglay ang payak ngunit kalkuladong pananalita at pananalinghaga. Sukat ang bawat paghahayag na tinatalunton ang liwanag ng espiritu ng bagay na magpahanggang sa ngayon ay hindi madaling maipaliwanag, ang wari’y walang wakas na tinatalakay bilang pinakadakila sa lahat ng maaaring paksa. Sa kaibuturan ng mga tula ni Arguelles ay ang marubdob na nasang gagapin ang kaligtasan ng sarili mula sa masasakit na biro ng pag-ibig." - Oliver Ortega
- Format:Paperback
- Pages:44 pages
- Publication:2010
- Publisher:University of Santo Tomas Publishing House
- Edition:
- Language:fil
- ISBN10:9715065724
- ISBN13:9789715065726
- kindle Asin:9715065724









